HININTAY ni Angela na matapos sa kausap nito si Azrael bago tuluyang lumabas ng banyo. Dumaan siya sa harapan nito, habang ito’y nakahiga sa kama at nagtitipa sa cellphone. Kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi makasama sa raid operation si Azrael. Gabi pa naman ang raid operation ng mga pulis, may oras si Azrael na sumaglit. Isa pa, pakay nito si Oscar, at hindi ito papayag na hindi nito makuha ang target. He has personal issues with Oscar, and killing him is Azrael’s main goal. Kailangan maunahan niya ito sa pagpatay kay Oscar. Once nawala ang target, matitigil si Azrael sa pag-imbestiga at mawalan ito ng chance mausig pa si Oscar. Posible kasing may koneksiyon si Oscar sa taong nag-hire sa kanila ng assassin para ipapatay rin ang daddy ni Azrael. Maghahanap si Azrael ng hints

