UMISANG lagok ng juice si Angela bago sinagot ang tanong ni Azrael. “Ah, sa kaibigan ko ‘yon. Nakiusap kasi siya sa akin kung kaya ko bang maremedyuhan ang nasirang ID niya,” sabi niya. Nangunot ang noo ni Azrael. “Aanhin pa niya iyong ID? Eh, parang high school o college na ID ‘yon. Lumang lamination pa ang gamit kaya nabasa.” She took a deep breath. Hindi niya namalayan na nahulog ang lumang ID niya mula sa develope na pinaglagyan ng old credentials niya. Itinago niya iyon una sa damitan niya bago inilipat sa condo. “Hindi ko rin maintindihan ang kaibigan ko. She’s collecting her old ID’s since grade school,” palusot niya. Natawa si Azrael. Kakaiba ang hobby ng kaibigan mo, ah. Teka, Japanese ba ‘yong Angela? Halata sa apelyido niya, eh.” “Filipino-Japanese siya.” Tatangu-tango si

