NAKAILANG tawag na si Azrael kay Angela ngunit hindi niya sinasagot. Mahapon siyang tumambay sa condo ni Lyka at doon din ginamot ulit ang sugat niya. Pagsapit ng alas sais ng hapon ay saka lang siya bumiyahe patungong headqaurters nila. Nag-taxi lang siya dahil naroon naman ang kaniyang motorsiklo. Nakaalis na si Calyx papuntang Korea kaya walang mangungulit sa kan’ya. Hindi pa siya nakaalis kaagad dahil pinatawag siya ni Eric, pinare-report sa tanggapan nito. Nasorpresa siya pagpasok sa opisina ni Eric ay naabutan niya itong nagtanggal ng face mask. “G-Good everning, sir!” nautal pa niyang tanong. Nag-angat naman ng mukha ang lalaki kaya kitang-kita niya kung gaano ka-gandang lalaki nito. But she wasn’t amazed with Eric’s handsome face, but with the feeling that he was familiar. Mag

