MATAGAL SILANG nagyakap at nang mapayapa na si Miles ay bumalik na sila sa silid kung saan naroroon ang anak. Masayang nilalaro ito ng kaniyang pamilya. Masaya siya dahil ngayon lang ulit niya nakitang naging masaya ang kaniyang pamilya. "Oh Miles, Sebby....naririyan na pala kayo." Bungad ng mama ni Sebby ng makapsok sila. Ngumiti siya rito. "Opo tita.." aniya pero maagap siya nitong tinutulan. "Naku hija. Tawagin mo na akong mama, ikaw Sebastian. Wala ka bang planong pakasalan itong si Miles?" Tanong nito kay Sebby na dahilan upang magkatinginan sila. Dami ng mga nangyari ay nakalimutan na pala nilang sabihin ang tungkol sa proposal nito. "Ma, Pa...ikakasal na po kami.." ani ni Sebby. "Actually po tita nagpropose siya kahapon pero sa dami ng mga biglaang nangyari ay hindi na po na