Naiinis man sa pagiging clingy ni Felicity pero kailangan niyang sakyan ito para makaalis na sila roon. Mahirap na gamitin ito dahil tiyak na kakapit ulit sa kaniya pero gaya nga ng sabi nila, ang taong gipit kahit sa patalim ay kakapit. She knows Felicity at tiyak namang hindi rin ito seryoso sa kaniya. Naalibadbaran man sa mga hindi bumibitaw na yakap nito ay hinayaan ba lamang. Nakahinga lang siya ng maluwag nang marinig nito ang tinig ng tiyuhin nito na dumating na. "Tito!" masayang sinalubong ito ni Felicity. Halatang malapit ito sa tiyuhin, sabagay ganoon naman ang personality ni Felicity. Well, mabait naman ito kaya lang possessive. "Anong meron dito at napatawag ka?" tanong nito sa kanila. Maya-maya ay kinausap na ito ni Felicity at tila sinabi ang kalagayan. Napansin niyang t