Hindi mapakali si Miles. Bawat lagitik ng orasan ay hindi niya mapigilang tignan. Katatapos niya lamang patulugin ang anak. Saktong alas otso ng gabi. "Oh mukhang hindi ka mapakali?" tanong nang yaya Belin. Tumingin siya rito. Matagal na naghinang ang mga mata nila, hindi niya alam kung bakit kusang pumatak ang luha niya. Agad naman itong nag-alala sa kaniya. "Oh, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo Miles. Sabihin mo sa akin?" alalang saad nito sabay lapit sa kaniya. "Ano bang nagyayari sa'yong bata ka? May hindi ka ba sinasabi sa akin gaya ng paglilihim mo sa ama ng anak mo?" sunod-sunod na tanong nito. "Ya," garalgal na boses niya. "Ano iyon anak?" anito sabay yakap sa kaniya. Dahilan para tuluyan siyang mapahagulgol. Hindi man naging sila ni Sebby pero ramdam niya sa sariling ma