"Yes. I will never leave you again," masuyong turan ni Sebby. Saka sinakop ang mapang-aliping labi ni Miles. Nabigla si Miles nang marinig ang sagot ng lalaki. Ang inaakalang panaginip ay tila totoo. Nahahawakan ang lalaking naglalaro sa isipan. Tumutugon din ito sa bawat haplos niya hanggang sa tuluyang nagulantang ang kaniyang kamalayan. Napabangon siya sa kabiglaan at nag-umpugan ang ulo nila. "Ouch!" Sabayang gilalas nang mapagtantong nasa kama nga niya si Sebby. "Sebby!" Biglang turan nang tuluyang magising. Sapo pa rin ni Sebby ang noo na naumpog sa noo ni Miles. "What are you doing here?" dinig na tanong ni Miles sa kaniya. "I just wanna see you. I miss you," 'di napigilang turan rito. Magsasalita pa sana si Miles nang pigilan iyon ni Sebby ng daliri nito saka nilaro ang labi