NATIGILAN si Martina nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon ng lalaki. May ilang segundo siyang tulala. Awtomatikong namayani sa isip niya ang imahe ni Dr. Rivas. Ito ang unang naghari sa isip niya nang marinig ang tinig na iyon. Pumintig nang husto ang pulso niya. Nagbilang siya ng tatlo saka marahas na hinarap ang lalaki. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita sa harapan niya si Devey, na balot ng itim na kasuotan ang katawan. Itim na jacket at itim na pantalon ang suot nito maging ang sapatos nito ay itim. "D-Devey!" bulalas niya. Nawindang siya, naguguluhimanan. Hindi niya maintindihan. Boses ni Dr. Rivas ang narinig niya ngunit paanong si Devey ang kaharap niya? O baka naman namimis lang niya si Dr. Rivas kaya halos lahat ng lalaking nagsasalita ay ka-himig n