Nakayuko ako habang kulay kamatis ang mukha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa sobrang kahihiya. Nahuli kami ng pinsan ni Dylan na naghahalikan. Ang rupok mo! “I-Ipabalot na natin ang ibang pagkain,” nauutal na sagot ni Dylan. Tumango ako at mabilis akong yumuko. Hindi ko talaga alam kung paano makikipag-usap ng maayos sa kanya. Tinawag niya ang waiter upang ibalot ang natitirang pagkain. “Let’s go!” sabay hawak niya sa kamay ko. Gusto ko sanang hilahin ang kamay ko, ngunit hindi na bagay sa akin ang mag-inarte. Nagpahalik na nga ako at naipasok na niya ang dila sa loob ng bibig ko. Torrid kiss ba ‘yon? Wala kaming imik habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya. Nang nasa loob na ako ng sasakyan ay kinuha ko ang airpods ko ay pinagtugtog ko ‘yon. Tahimik rin si