“Miss. Meredith?" tawag niya sa akin. Sumimangot ako. “Planado mo ba ito?" tanong ko. Nagsalubong ang kilay niya. “Bakit ko naman 'yon gagawin? Ako ba ang nag-hired sa'yo?" balik niyang tanong sa akin. Tumahimik ako. Bigla kong naalala na ako naman talaga ang nag-apply online noong nasa Singapore ako. Wala namang nag-utos sa akin na kaibigan na mag-apply ako. Nagkataon lang na nakapasa ako sa mga interview kaya bumalik ako ng Pilipinas. “Sige, sabihin natin na hindi mo ito planado? Bakit hindi mo sa akin sinabi na ikaw pala ang boss ko?" “Actually, ngayon ko lang nalaman na ikaw ang bago kong Head Manager. Kung gusto mong mag-resign dahil ako ang boss mo ay malaya kang mag-resign.” Kuyom ang kamao ko sa inis. “Hindi ko gagawin 'yon. Ito ang dahilan kung bakit bumalik ako ng Pilipinas