Pagmulat ng mga mata ko, nakangiting mukha ni Dylan ang nakita ko. Nakasuot siya ng uniporme ng school. “Good morning, Pangit!” matamis na ngumiti sa akin si Dylan. Kumunot ang noo kong nakatingin sa kanya. “Dumating na ba ang professor natin?” Ngumisi siya. “Mukhang tulog ka pa rin.” Saka ko lang napansin na nasa loob ako ng kuwarto. Nanglaki ang mga mata ko sa gulat. “A-Anong ginagawa mo rito!” sigaw ko. Mabilis akong bumalikwas ng bangon, kinuha ang kumot at pinalupot sa katawan ko. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko na wala akong suot na bra. “Aray! Ang sakit sa tainga! Ganyan ba kalakas ang boses mo kapag mag-asawa na tayo?” Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. “A-Anong pinagsasabi mo!” “Alam na nila na boyfriend mo ako.” Sinabunutan ko ang sarili ko. Hindi ko akalain na