Chantalle Amadeo Hindi ako makatulog. Paulit-ulit sa isipan ko ang isang planong walang kasiguraduhan. Bukod pa sa walang kasiguraduhan, parang nilalamon ako ng konsensya ko kung gagawin ko man iyon. Nag-aalala rin ako na baka mag-backfire sa akin ang planong ito. Nanumbalik sa alaala ko ang nangyari kanina sa infirmary matapos na umalis si Owen. May nakakuha ng atensyon ko. Para akong itinapon sa malamig na tubig nang mabasa kong maayos ang label ng kahong nakita ko. Nangangatog at parang lutang ako. Kukunin ko na sana siya kaso may tumawag sa pangalan ko. "Chantalle, anong ginagawa mo dito? May masama na naman ba sa pakiramdam mo?" Tanong ni Nurse Gin sa akin. "Ah, b-balak ko po sanang uhm, umidlip." "Kala ko naman kung ano. Para ka kasing namumutla." Isinara niya ang nakabukas na f