Owen Orbiso I don't want to be her painkiller. I want to be someone who can totally heal her *** Nakailang beses tumunog ang alarm ko pero hindi man lang nagising si Chantalle. Ayoko siyang gisingin at wala ako sa mood pumasok sa morning training namin kaya pinasya ko na lang na ipagpatuloy ang tulog ko. Hindi nga lang ako dalawin ng antok. Ayoko ring tumugtog kasi baka maingayan itong katabi kong tulog na tulog. She looked so peaceful. Sana lagi siyang ganito. Pag kasi gising siya madalas siyang natutulala o kaya seryoso o kaya tila iiyak na lang anong oras. Seryosong tao na si Chantalle bata pa lang kami. Magsasalita lang siya pag alam niyang tama ang sasabihin niya o kaya naman kung uutusan niya ako. Pwede siyang maging investigator o kaya naman lawyer. Ang pagkakaiba lang dati, ma