Chantalle Amadeo "Dyos ko po! Chantalle!" Nakaramdam ako ng lamig at nakarinig ako ng sigaw pero antok na antok pa ako para imulat ang mata ko. May kumalabit sa akin. "Chantalle, gising. N-nandito m-mommy mo." Napabangon ako sa bulong na puno ng kabang sabi ni Owen. Sa kaniya at suot niyang Hello Kitty pajama unang dumako ang tingin ko. Kung wala lang si mommy sa harapan namin at hawak ang kumot ko baka mapanulalas ako ng tawa kagaya kagabi namg pahiramin ko siya ng pantulog. Tanging ang pajama lang na 'yan ang kumasya sa kaniya. Hindi naman n'ya balak mag-overnight o magsuot ng Hello Kitty pajama kung hindi ko siya pinilit tutal naman naabutan siya ng curfew hours niya sa dorm, ayaw niyang umuwi dahil mapapagalitan siyang ng parents niya kung uuwi siya na may morning training kinabuk