Owen Orbiso "Come again?" Baka kasi nabibingi lang ako o kaya may ibang kahulugan ang sinabi niya tulad ng 'tapusin na namin itong pag-uusap na ito kaso kailangan mo nang bumalik sa practice game mo'. "Thankful ako na lagi kang nandyan sa tabi ko pagkailangan ko nang makalimot sa lahat ng problema ko. Owen, you're like my savior, friend, doctor..." "Uh, so what's the point of this?" Tila ba kalahati ng katawan ko nawalan ng lakas. Parang hindi na nga ako makakatayo sa kinauupuan ko. "Ayoko nang guluhin ka pa. Ayoko nang kunin ang oras mo sa pamilya mo, sa basketball at sa music mo." Wala akong masabi. Napapaisip ako sa mga past relationships o sabihin na nating fubu ko. Hindi ko na nga mabilang eh pero sa pagkakaalala ko may isang tao na ring unang umayaw at nakipaghiwalay sa akin. "