Chantalle Amadeo Mas lalo akong hindi pinapalabas nila daddy. Worst part was he made sure na wala akong TV signal sa loob ng room ko dito sa hotel para hindi ako makapanuod ng balita. Kahit ano namang gawin nila alam ko namang mas masama na ang tingin ng mga tao sa akin. Isang beses kumain ako sa restaurant sa baba narinig ko na pinag-uusapan ako ng ilang mga nababae doon. "Kaya naman kasi na-rape siya kasi malandi naman pala siya." "Hindi makapagpigil si Ateng? Sa school pa talaga gagawin." Ilan lang iyon sa mga narinig ko. Marami pang paninira sa akin lalo na't dinamay ko pa raw si Owen dito. Hindi raw ako deserving para sa kaniya at sinira ko raw ang basketball career niya. Akala ko tapos na ang lahat; akala ko okay na pero sa nangyaring pagkalat ng litrato namin ni Owen mas sumam