Chantalle Amadeo Nilaro ko si baby Brielle pag-uwi ko sa bahay. My dad was pretty disappointed on me, I can feel it. Pano ba naman hindi ako nagsalita kanina sa mga tanong ng abugado namin. Natatakot ako na pag nagsalit ako bigla na lang akong humagulgol sa iyak o kaya naman atakihin ng panic attack. Ang mas malala pa makita nila ang butas sa kwento ko; makita nilang may tinatago ako. Umiyak si Brielle. Nahigpitan ko kasi ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Dumating si mommy at kinuha sa akin si Brielle. Pinatahan niya ito. "Ci, magpalit ka muna ng damit mo, maghahapunan na tayo." Tumayo ako at sinunod si mommy. "Tumawag pala si Owen sa akin. Tinatawag ka raw niya pero hindi ka niya ma-contact." Dagdag pa ni mommy bago ako tuluyang pumanik patungo sa kwarto ko. Hindi sa iniiwasan ko