Chapter Forty Six: Nanginig ang labi ko nang makita ang nakangising mukha ni Pink. Nabuwal ako sa kinatatayuan ko at nanlulumong nilingon si Cash na ngayon ay nagtataka. "S-si Pink, magtago ka Cash. Hindi ka pa magaling," mahinang bulong ko sa kanya. Nag-igting ang mga panga n'ya at dali dali akong pinadapa. Kinuha n'ya iyong phone n'ya mula sa kanyang bulsa at iniabot sa akin. "Call for help, huwag kang aalis d'yan may kukunin lang ako sa kwarto." Mahinang sabi n'ya sa akin. Tumango ako kahit na nanginginig pa rin ang mga kamay. Pumindot ako sa cellphone n'ya. "Cash! Lumabas ka d'yan at magpatayan tayong dalawa!" Isang putok ng b***l ang pinakawalan n'ya kaya mas lalo akong nanginig. Takot na takot ako habang nagtitipa ng numero. "Hello, mommy! Nandito si Pink! Please help us!" S