Final Chapter: "Sino 'tong babae'ng 'to? Bakit ni-like mo 'yung post nito? Ano ha? Nilalandi mo 'to 'no?!" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sigaw ng buntis kong asawa. Araw araw, nakasunod s'ya sa akin. Lahat ng bagay napapansin n'ya, mula sa maliit na bagay hanggang sa malaki. Wala s'yang pinapalagpas, ang sabi naman nila mommy ay pagpasensyahan na lang daw dahil natural daw sa buntis ang maglihi at baka nga, ako ang pinaglilihian n'ya dahil wala naman s'yang hinihingi sa akin na kung ano ano'ng pagkain. "Baby, nagkamali lang ako ng pindot. Ikaw naman kasi, nagugulat ako kapag bigla ka na lang sumusulpot. Napindot ko tuloy bigla..." paglalambing ko sa kanya. Niyakap ko s'ya sa bewang at hinaplos ang tiyan n'yang hindi pa ma-umbok. Walong linggong buntis pa lang s'ya at