Chapter Thirty Four: Natigilan ako sa ginawa ni Pink. Hindi ako agad nakagalaw. Nanlaki ang mga mata ko. Nang na-realize ko na ang ginawa n'ya ay agad ko s'yang tinulak at sinampal. "Gago ka, ah!" Mura ko sa kanya. Hinawakan n'ya iyong pisngi n'yang sinampal ko bago lumingon sa akin. Bumakat doon ang palad ko. "Bakit? Anong masama?" Nakangiting tanong n'ya. "Baliw ka na!" Inis na sigaw ko. Sinong matinong tao ang nasampal na pero nakangiti pa rin. "Ang sarap ng labi mo," he said then lean towards me, again. Pero hindi ko s'ya hinayaan. Umatras agad ako at itinulak ko s'ya palayo sa akin. Narinig kong bumukas ang pinto ng kotse at lumabas doon iyong driver ko. "Anong nangyayari dito, miss?" Tanong n'ya. "Pakisapak nga ito, kuya! Hinalikan ako, bastos!" Galit na sigaw ko pa kay Pin