Chapter Thirty Six: "I'm sorry, anak." Mom held me in her arms and gently pulled me into hug. "No, mom. This is my fault, pwede akong umatras pero hindi ko ginawa." I said trying to control my tears. "No, kung hindi sana kami nagsinungaling na nalulugi na ang kumpanya, hindi sana mangyayari 'to." Humiwalay si mommy sa pagkakayakap sa akin. Natanaw ko si daddy na nakatiim bagang at malalim ang iniisip. "I'll talk to him," dad said. Pero umiling ako at naglakad palapit sa kanya. Hinawakan ko ang braso ni dad. Kitang kita ko kung paano umigting ang panga niya sa galit. "Dad, kasalanan ko. Minahal ko s'ya at hindi n'ya ako mahal. Wala akong magagawa, hindi natin matuturuan ang isang tao." Humarap s'ya sa akin at tinanguan ako. "If that's what you want, okay we'll understand." Pagkat