Chapter Ten: Gorgeous Catherine's Point of View: Nanlaki ang mga mata ko nang bigla n'ya akong halikan. Parang biglang nag-slow motion ang paligid. Hindi ako makagalaw. Sinasabi ng isip ko, na itulak ko s'ya pero bakit tila na-estatwa ako sa ginawa n'ya. Ang lambot ng labi n'ya... Napakurap kurap ako nang humiwalay s'ya sa halik. "Gusto rin," nakangising pang-aasar n'ya sa akin. Galit na itinulak ko s'ya at saka sinampal. Halos lumagutok iyong pisngi n'ya sa lakas ng sampal ko. Inis na bumangon ako at umupo sa sofa. Kitang kita ko iyong pisngi n'yang namula sa pagkakasampal ko. "Bwiset ka talaga! Puro kamanyakan iyang katawan mo!" Inis na sigaw ko sa kanya. Hinawakan n'ya ang gilid ng labi n'ya at doon ko lang napansin na pumutok pala iyong labi n'ya. Dumugo iyon! Bumuntong hinin