Chapter Six: Cash Ford's Point of View: "Ano `tong sinasabi ni Orlando na parang nag-aalangan na si Catherine na magpakasal sa `yo? Ano bang ginawa mo at biglang ganoon na lamang ang desisyon ni Catherine?!" Galit na boses ni dad ang umalingawngaw sa buong condo ko pagkapasok na pagkapasok n'ya. "Dad, gagawan ko ng paraan. Papakasalan n'ya ako, okay? Huwag kang mag-alala." Sinapo ni dad ang noo n'ya at hinilot ang kanyang sentido. "Excited na ang lahat ng mga kaibigan namin ni Orlando sa pagpapakasal n'yong dalawa. Five months na lang ang natitira, pero hindi pa rin kayo nakakapagpasukat ng susuotin ninyo! Ano ba kayong dalawa? Ipapahiya n'yo ba kami sa mga inimbitahan namin? Gumawa ka ng paraan!" Tumalikod na si dad sa akin at lumabas ng condo ko. Pabagsak na isinara pa n'ya ang pin