Chapter Four:
"Bakit mo naman ako iniwan sa lalaking iyon?!" bulyaw ko kay Lisa matapos n'yang i-kwento sa akin ang nangyari noong isang gabi.
Nalaman ko rin na s'ya pala ang kumuha ng bag ko, nakalimutan n'ya raw ipadala kay Cash.
Nagkibit-balikat s'ya at kumagat sa pizza na hawak n'ya.
"What? He's your fiancé? What's the problem?"
Sinamaan ko s'ya ng tingin, nakakainis talaga `tong kaibigan ko na `to.
"What if hindi pala s'ya iyong fiancé ko? Ipagkakatiwala mo ako sa isang stranger?" Nanlalaki ang mga mata kong tanong sa kanya.
"Well, he's your fiancé. At saka nagsinungaling ka sa akin, hindi naman pala pangit ang fiancé mo. Ang gwapo nga, eh," she said then giggled.
Tinulak ko s'ya dahilan para mahulog ang pizza na hawak n'ya. Ngayon, pati s'ya ay masama na rin ang tingin sa akin.
"Hindi s'ya gwapo!" Inis na bulyaw ko sa kanya.
"Bakit mo `ko tinulak?! Nahulog tuloy `yong pizza ko!"
Umirap ako at tumayo na sa sofa n'ya. Nakakainis talaga!
"Bahala ka nga d'yan! Nakakatampo ka!" Galit na sigaw ko at saka kinuha iyong bag ko at balak na sanang magwalk-out pero hinawakan n'ya ang kamay ko.
"Sorry na bes," nilingon ko s'ya at pinanliitan ng mata. "Sorry, sorry! Eh, kasi naman niloko mo `ko, eh. Sabi mo pangit, gwapo naman pala," nakangusong sabi n'ya at saka hinila ako paupo sa sofa.
"So what kung gwapo s'ya? Ipagkakanuno mo na ako sa kanya?"
Tumingin s'ya sa taas sabay ngumuso. Tila pinag-iisipan pa ang isasagot. Binatukan ko nga.
"Aray! Napakasadista mo talaga," sabi n'ya sabay kamot sa ulo.
"Kainis ka kasi, hindi ko magawang magalit sa `yo. Bwiset ka!"
Sumilay ang ngiti sa labi n'ya at saka yumakap sa akin.
"Yiiie! Sabi ko na nga ba, hindi mo ako matitiis bes!"
Umirap na lang ako at napangiti. Siguro nga magbestfriend talaga kami...
Nang kumalas s'ya sa yakap ay tumayo na ako. Pupunta kasi ako ngayon sa restaurant ni mommy dahil sinabi ko sa kanyang gusto kong matutong magluto. Well hindi ko sinabi sa kanyang ininsulto ako ni Cash kaya gusto ko ng matuto magluto. Sige lang Cash, ipapalasap ko sa'yo ang sarap ng pagkain na lulutuin ko!
Nasa byahe ako nang maisipan kong tawagan si Cash, itatanong ko sa kanya kung anong ulam ang gusto n'ya at dadalhin ko sa bahay niya mamaya.
Pinindot ko ang numero n'ya at inilagay sa tenga ko ang earphone. Hinintay kong mag-ring iyon, pero hindi sinasagot ang tawag.
Inis na pinindot ko ulit ang numero n'ya sa cellphone ko. Bakit hindi n'ya sinasagot? Tulog pa ba s'ya? Pero imposible naman yatang tulog pa s'ya! Eh, alas tres na ng hapon, ah!
Nakailang tawag na ako pero ring lang nang ring. Nagsisimula ng mag-init ang ulo ko.
"Kapag ito, hindi pa rin sinagot, pupuntahan ko s'ya mamaya sa opisina n'ya at sasapakin ko s'ya!" Inis na pinindot kong muli ang numero n'ya at sa wakas, sumagot rin!
"Hoy! Bakit ngayon mo lang sinagot?"
I heard him groaned on the other line before anwering me, "I'm on the middle of my delicious o****m, Catherine! Please let me finish this first, damn!"
Nanlaki ang mga mata ko lalo na nang marinig kong may boses ng babae sa background.
"Sino ba `yan, babe? Epal naman, eh!"
Mabilis kong pinatay ang tawag. Napasinghap ako at sinapo ko ang noo ko, mabuti na lang at malapit na ako sa restaurant ni mommy.
"Oh God!" Nag sign of the cross ako, naramdaman ko rin na pinagpapawisan ako.
Did I just disturb him on what's so called doing ahm, love making? No, erase! That's not love making! s*x iyon! Gosh, nakakadiri! Dinungisan n'ya ang kainusentehan ko.
Pero anyways, lulutuin ko na lang kung ano ang paborito kong pagkain. Ibibigay ko pa rin sa kanya, pero hindi na ako ang magdadala. Ipapadala ko na lang sa delivery boy nila mommy kasi naiinis ako, baka mamaya mahawakan ko pa ang kamay n'yang humaplos sa katawan ng ibang babae. Eew! Gross!
Naglakad na ako papasok ng restaurant, bumati naman kaagad sa akin iyong mga server ni mommy. Kilala na kasi nila ako dito dahil madalas akong bumisita kay mommy nitong mga nakaraang araw. Kasi hindi ako pinagtatrabaho ngayon ni dad sa kumpanya dahil ako ang nag aasikaso ng kasal namin ni Cash. Excited nga ako sa mga isusuot namin, pero doon sa lalaking papakasalan ko, hindi ako excited!
"Good afternoon, mommy!"
Yumakap ako kay mommy at bumeso.
"Desidido ka pala talagang matuto? Akala ko may sakit ka lang kagabi kaya sinabi mong magpapaturo ka." Natatawang sabi ni mommy.
"No, of course not! Syempre gusto kong matuto," para hindi na ako insultuhin ni Cash gusto kong idugtong pero `wag na lang.
"Sabagay, para masanay ka na rin kapag kinasal na kayo ni Cash."
Nangunot ang noo ko.
"What? No, I'm not doing this for that manwhore! I'm doing this for myself," depensa ko.
"If that's what you say so," natatawa paring sagot ni mommy.
Inis na umirap na lang ako at lumapit sa ref para kumuha ng sa tingin kong sahog sa mga lulutuin ko.
"Ano bang lulutuin mo?" tanong ni mommy.
"Sinigang, my favorite."
Tumawa ang katabi kong chef pati na rin ang isang assistant na kasama n'ya. Tinaasan ko lang sila ng kilay kaya tumalikod na sila pareho at umalis.
"Anak, walang itlog ang sinigang."
Napatingin ako sa hawak ko, eh kung gano'n anong nagpapalapot sa sinigang? I think meron kasi.
"Ikaw na nga lang kumuha mommy, hindi ko talaga alam iyan..."
Kumuha si mommy ng mga ingredients sa ref. Mayroong karne ng baboy, kamatis, sibuyas, kangkong, labanos, sitaw, okra and so on. Ang dami hindi ko na matandaan, kinuha ko na lang ang phone ko at inilista iyon lahat.
"What are you doing?" tanong ni mommy.
"I'm taking down notes," sagot ko.
Iiling-iling na hiniwa ni mommy iyong karne at saka n'ya tinuro sa akin kung paano iyon hihiwain.
Tuwang-tuwa naman ako sa paghihiwa ng mga sangkap. Parang mas trip ko na nga lang maghiwa nito kaysa lutuin.
"Iyan, pagsabay sabayin mo lang itong sibuyas, kamatis, karne at siling berde. Mamaya na `yong iba," sabi n'ya.
Tumango-tango ako habang pinapanuod ko si mommy. So sa kabuoan.
Si mommy ang nagluto at hindi ako! Pero parang gusto ko ng tumambay ng mas madalas dito sa restaurant ni mommy. Parang ang saya saya kasing magluto, eh.
"Kanino mo naman ipapadala iyan?" takang tanong ni mommy.
"Kay Cash, ipapatikim ko sa kanya iyong luto ko."
"Talaga, eh ikaw lang naman ang naghiwa ng mga sangkap pero ako naman ang nagluto."
Tiningnan ko si mommy. "Ganun na rin iyon mom."
"At saka sabi mo, you're doing this for yourself tapos ipapatikim mo sa kanya?"
Tinakpan ko na iyong tupperware at inilagay sa paper bag.
"Of course he's going to be my husband. Kailangan ko na rin sigurong paghandaan." I told her, there's no point of denying it anyway.
Tumango si mommy.
"Are you sure, you want to marry him?"
Itinabi ko iyong paper bag sa gilid katabi ng bag ko at nilingon si mommy.
"I don't want to marry him mom, but of course for our bussiness. I'll do everything,"
Humalik ako sa pisngi ni mommy at kinuha na iyong bag ko pati iyong paper bag kung saan nakalagay ang sinigang.
"Pwede ka pa namang umatras, hindi ka namin pinipilit."
Umiling ako kay mommy at nag-wave na ng kamay.
"No, papakasalan ko s'ya mom! Sige po, alis na ako babye!"
Lumabas na ako ng kitchen at pinuntahan iyong delivery boy. Ibinigay ko sa kanya iyong address ng Brilliantes Tower at kung saan iyong opisina ni Cash.
Bumuntong-hininga ako at lumingon sa labas, maggagabi na pala. Ang bilis ng oras. Uuwi na ako para makapagpahinga, bukas na rin kasi iyong fitting ng susuotin kong wedding gown at kasama ko na naman si Cash because of course, he's my groom.
"Catherine?"
Lumingon ako doon sa humawak sa balikat ko. Kumunot ang noo ko ng makita ang isang lalaking may reading glass sa mata. Pero kahit gano'n, mas nakapagpadagdag lang sa kagwapuhan n'ya iyong salamin na suot n'ya.
"Excuse me, do I know you?"
Luminga-linga na ako sa paligid, nakatingin na sa amin ang ibang server ni mommy.
"This is me, Frederick!"
Napakurap-kurap ako, at saka mas lalong tinitigan ang mukha n'ya. Napatakip ako sa bibig ng mamukhaan ko s'ya.
"Oh my gosh! Hindi kita nakilala. Nag-matured ka na kasi at hindi na totoy! Sorry," I said then giggled.
"No, it's okay. Let's eat, my treat."
Umiling iling ako. "No, this is my mom's restaurant so it's my treat."