Jacob POV: Magiisang linggo narin ng mawala ang lahat lahat ng ari arian ko. Si Megan naman ay nagpasyang pumunta ng England dahil sa naiwan niyang trabaho. Bumubukod na kasi ito sa mga magulang namin na nasa America dahil mas gusto niyang lumaking magisa. Halos pareho kami ng mind set ng kapatid ko at nakikita ko talaga ang sarili ko sakanya. Hind nga lang ako naspoiled tulad niya. Narito ako ngayon sa Alferez Company at ako ang naging secretary ng CEO na si Nikko. Malaki ang pasasamat ko rito dahil sa labis na pagtulong niya sakin. Inaayos ko na ang mga files at investment letter dahil gagamitin ito mamaya ni Nikko para sa kausap niyang mga businessman. Nawala ang halos lahat lahat sakin ng isang iglap lang. Hindi ko padin maintindihan kung bakit nagawa ng papa ko ang ipagbili ang