Jacob POV: Matapos ang tawag sakin ni Nikko ay nag pasya na akong tapusin ang pagkain ko. Papasok pa ako sa trabaho at alam kong tambak nanaman ang mga ito. .... Inistart ko na ang makina ng kotse ko papunta sa Alferez Company. Bumaba ako saglit sa tapat ng coffee shop dahil bumili ako ng maiinom bago ako tuluyang pumasok. Dark coffee ang binili ko kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa kotse ko ng may tumawag sa pangalan ko. "Sir Jacob!" Sabi nito. Napahinto ako saglit at nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na yon. "Marie?" Oo si Marie nga at nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya dito. Patakbo itong tumungo sa kinaroroonan ko at nagsalita. "Ako nga Sir. Gusto ko lang po malaman ang kalagayan niyo simula ng umalis kayo sa mansiyon." Saad nito. "Okay lang ako. Sige."
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books