"Sino ba ang lalaking 'yon Julia?" Tanong nito habang pinaglilipat-lipat ang mga mata sa kanya at sa daan. "Sinabi ko na kanina hindi ba? Bakit mo ba ko sinama ulit?" Tanong n'ya. Nais n'yang malaman kung concern ba sa kanya si Lance. Sa nakita n'yang kinilos nito kanina parang concern ito sa kanya. "Wala si Manang Flor sa bahay, nasa gulayan s'ya, at sa itsura ng lalaking 'yon parang hindi kita mapagkakatiwala sa kanya," sagot nito. "Beside, nakita kong takot ka sa lalaking 'yon," patuloy nito. Hindi s'ya kumibo. Nais man n'yang sabihin na manyakis ang lalaking 'yon at totoong natatakot s'ya rito. Hindi na lang n'ya sinan tinig pa. Pagdating sa bahay agad na s'yang bumaba ng Jeep at tinanong muli kay Lance kung pwede pa s'yang magtrabaho sa mansyon bilang kasambahay at hindi gaya ng