KABANATA 73 TRUST ISANG LINGGO matapos namin makalipat sa aming bagong bahay ay pinaghandaan na namin ang pa house blessing ng bahay. Mga piling tao lang ang inimbirahan ko. Ilang malalapit na kaibigan, kamag-anak at ka trabaho. Habang si Tunner ay walang nang inimbitahan pa sa mga tiga Palawan kundi si lolo Anselmo lamang. Ngunit binilin ko pa rin sa kanya na 'wag kalimutang imbitahan si Pablo. Hindi rin kasi pwede ang ilan sa kanila dahil sa trabaho kaya't hinayaan na lang niya sa akin ang pagpa-plano ng guest list. Kahit na binilinan n'ya ako na huwag magkikilos ay talagang hindi ko matiis na hindi makialam sa pag-aayos ng dekorasyon sa aming munting bakuran. "Ate, may tawag ho kayo sa phone si sir Tunner ho." Inabot sa akin ng aking kasambahay na si Lolita ang telepono na siya ko
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books