KABANATA 39 HOOKED UP Hapon na nang makabalik ako sa opisina ng Red Bliss Apparel. Bago umuwi ay kinausap ko muna ang mga staff ko upang ipaalam na babalik ako sa Palawan sa susunod na linggo upang taposin ang isang project doon na hindi ko na binanggit sa kanila kung ano. Ito ay ang pagbili sa lupain ng mga Guerrero. Nakatanggap din ako ng tawag mula kay Lolo at kinukumusta ang lagay ko. "Maayos naman ho ang lahat dito, lo. Naayos na rin ang gusot sa isa kong model. Baka sa linngo na ho ang bali ko d'yan," wika ko sa kabilang linya. "Good to hear that news," aniya. "Kayo ho, lo?" "Naku huwag mo akong intindihin, apo. Pakiramdam ko nga ay bumata ako ng sampung taon nang makita muli si Anselmo. Nagkaroon pa ako ng kasama mag golf ngayon." Bakas sa mga tinig niya na masaya nga siya n