KABANATA 45 LEON MENDEZ Matapos kong malaman ang date nina Tunner at Katarina ay nagkulong na lang ako sa aking silid at hindi na lumabas. Kinatok ako ni Savinna nang bandang hapon ngunit sinabi kong sa dinner na lang ako lalabas. Hndi na rin ako nakatulog pa kahit gusto ko kaya't sa shower room na lang ako nagbabad. Habang naliligo ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Hindi ko 'yon pinansin pagkat tiyak na si Romeo, o Savinna lamang ang kumakatok. Matapos kong umahon ay nagbihis na ako ng simpleng floral dress na may uka sa dibdib. Nilugay ko lang ang buhok ko at hindi na masyadong nagpahid pa ng make-up. Wala sa dinner na 'yon si Tunner at Savinna kaya't mas lalo akong nawalan ng ganang kumain. Sa puntong 'yon ay hindi na ako napigilan pang komprontahin ni Savinna. "Akal