KABANATA 71 NIGHT NAGSIMULA na ang pagdiriwang nang wala pa si Tunner. Mabuti ay napaki-usapan ko si Romeo na siya muna ang bahala sa mga bisita pagkat bigla akong nakaramdam ng matinding hilo at pagkabalisa kaya't bumalik akong muli sa silid kung saan ako naka-check-in. Pakiramdam ko ay masusuka rin ako dahil sa samo't saring amoy ng inuming alak sa paligid. Isa pa biglang nawalan ako ng gana na makihalubilo sa mga bisita. Hindi ko maatim na makipagsiyahan sa kanila habang alam kong nasa trabaho pa ang aking asawa. Hindi ko na rin sinubukan pang tawagan ito pagkat tiyak na abala pa ito sa pagpapa-anak ng kabayo. Hindi ko rin napigilang isipin kung bakit mas inuna pa n'ya ang pagpapa-anak sa kabayo kesa sa usapan namin. Ayoko sanang sumama ang loob sa nangyari, pero hindi ko mapigila