KABANATA 54 LAUNCH MAAGA akong nagising ngayon umaga. Ngayon kasi ang launching ng bago product ng Red Cosmetic at si Katarina nga ang modelo ng produkto na 'yon. Dalawang linggo na rin ang matulin na lumipas mula nang makabalik kami ni lolo dito sa Maynila. Hindi na rin siya nagtagal doon nang malaman niyang nabili ko na ang kalahati ng lupa ng mga Guerrero. Hindi pa rin ito makapaniwala na gano'n na lang binenta ng Don sa'kin ang lupain na matagal niyang pinayabong at pinalago. "I'm so proud of you, apo!" Tinapik pa ni lolo ang aking balikat nang ibalita ko sa kanya ang bagay na 'yon. Ngumiti ako ngunit hindi umaabot sa aking mga mata akong ngiting 'yon na siyang napansin nito. Kung kanina ay tinatapik lamang n'ya ang balikat ko, ngayo'y hinahaplos na niya ang aking likuran dahil