KABANATA 56 TRUTH NANGINGINIG ang aking dalawang kamay habang nakatanghod sa limang pregnancy test na nasa aking harapan. Lahat ng iyon ay iisa ang inilabas na resulta. . . "Positive," I utter. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito. Nanlalamig din ang aking buong katawan at wala sa loob na napaspo sa impis kong tiyan. I'm pregnant! Magiging isa na akong Ina? Kumurap ako't mabilis na pinahid ang mga luha sa mga mata nang marinig ko ang pagkatok ni Tunner mula sa labas ng pinto. Agad ko ring inayos ang sarili at isinilid ang mga resulta sa aking bitbit na bag bago lumabas. Bakas sa mukha niya ang matinding kasabikan nang makita akong lumabas ng banyo. Hinawakan