KABANATA 51 RIVAL Habang daan pauwi ng Puerto Princesa ay wala kaming imik na tatlo. Abala din kasi ako sa mga emails na natatanggap ko galing sa trabaho. Ilang tawag din ang natanggap ko sa mga executives nang makita nila ang mga final shots ni Katarina. Gusto na nga nilang alokin ng vip contract si Katarina ngunit hindi pa ako nakapagdesisyon sa bagay na 'yon. Oo, alam ko na hindi dapat sinasali ang personal na issue sa trabaho. Pero paano ko naman pakikiharapan si Katarina nang matino kung bukang bibig n'ya lagi si Tunner? Umikot ang mata ko nang balikan ang mga eksena namin kanina. Kapag naiisip ko kung paano ko nagawa 'yon ay natatawa na lang ako sa sarili ko. Hinid kasi ako sanay na ako naghahabol sa lalaki at takot na maagaw siya ng iba. Madalas kasi na sila ang unang gumagawa