Chapter 40

1647 Words

Nagising si Ivory sa palahaw ni Ivo. Pupungas pungas siyang bumangon. "Hmm," ungol ng nasa tabi niya. Nilingon niya ito at nakita nagkukusot na rin ng mata si Xamuel. "Anong oras na?" tanong nito. Tiningnan niya ang wall clock tsaka bumaling dito. "Alas-sais na. Teka, umiiyak si Ivo." Kinuha niya ang kamay nitong nakadantay sa kanyang tiyan. Umalis siya ng kama at agad na kinuha si Ivo sa crib. Kinuha rin niya ang baby bottle nito saka pinainom si Ivo. Isinayaw sayaw niya ito habang pinapadede. "Good morning." Nag-angat siya ng tingin at binalingan si Xamuel na nasa kama pa rin. Nakasandal ito sa headboard habang nakatingib sa kanila ni Ivo. Tipid niya itong nginitian. "Morning din. Nagutom si Ivo," sabi niya rito at nginuso ang dumededeng sanggol. Ngumisi si Xamuel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD