A year after… Nakangiting pinagmamasdan ni Ivory ang mga batang pumipila sa mahabang lamesa kung saan namimigay ng mga pack lunch at snacks. Bumuntong-hininga siya at nilinga ang paligid. Medyo matagal tagal na rin nang huli siyang makatungtong sa lugar na ito. Ang lugar kung saan siya nagsimulang mamulat. Hindi niya akalaing makababalik pa siya rito simula noong makapasok siya ng trabaho. Noon ay isinumpa niya ang lugar na ito dahil sa mga hindi magagandang nangyari sa kanya rito. Dito siya naghirap. Dito siya nawalan ng pag-asa. Dito siya nawalan ng pangarap. Pero sa dami ng nangyari sa buhay niya, napagtanto niyang kahit anong gawin niya hindi niya maiaalis sa kanyang sistema ang lugar na kinagisnan niya. At mas lalong hindi niya dapat ito talikuran dahil lang nakalayo na siya. N