Kinabukasan, maagang sinundo sina Ivory sa bahay. Dala dala na nila ang mga bagahe nila. Hindi niya pa nga alam kung paano eempake iyon dahil wala rin naman sinabi si Xamuel kung ilang araw sila sa America. Pero sabi naman ni Sally hindi niya dapat problemahin ang mga damit.
"Ate, may bahay po sila sir sa America?" tanong niya kay Sally habang nilalabas nila ang mga bagahe.
"Ay nako, oo. May mansion ang mga Cuanco roon. Kasi noon, doon sila nagsi-celebrate ng mga holidays o mga importanteng okasyon. Halos lahat din ng kamag-anak nila ay nandoon na. Pero itong si Xamuel mas gusto rito sa Pilipinas kasi dito nakatira iyong nasira niyang asawa." Tumango tango na lang siya sa sinabi ni Sally.
Tinulungan na sila ng driver ni Xamuel sa pagpasok ng mga bagahe. Pagkapasok niya sa kotse ay agad niyang nakita ang tulog niyang boss. Ibang iba ang ayos nito. Naka-casual lang kasi ito, hindi kagaya ng palagi niyang nakikita. Naninibago tuloy siya.
Masyadong matagal ang naging biyahe. Sinabihan na rin naman siya kanina. Medyo nahihilo pa nga siya at hindi komportable dahil naninibago siya sa amoy at lipad ng eroplano. Mabuti na lang kamo at business class ang kinuhang ticket ni Xamuel.
Tulog si Ivory sa kahabaan ng biyahe. Kung nagigising man siya ay saglit lang dahil nalulula na naman siya. Para siyang masusuka kaya pinipilit niyang matulog na lang.
Nang makalapag sila sa Los Angeles ay parang lantang gulay na siya. Halos matumba pa siya nang pababa sila ng eroplano.
"Nako, hija, ayos ka lang?" tanong ni Sally sa kanya. Tumango lang siya rito at tipid na ngumiti.
Nilingon siya ni Xamuel.
"When we get to the house, you take some rest first. I'll schedule us tomorrow. I just have to meet my lawyer friend here foe the contract draft,"sambit nito bago sila sumakay sa sasakyan nito.
Nakasandal lang si Ivory sa likod ng upuan habang papunta sila sa mansion ng mga Cuanco. Gusto niya sanang i-appreciate ang ganda ng mga nadadaanan nila pero talagang wala siyang lakas para gawin iyon.
Hanggang sa makarating sila sa mansion ng mga Cuanco. Nagningning na naman ang kanyang mga mata pagkakita ng kabuuhan ng mansion.
"Manang Sally, ikaw na ang bahala kay Ivory. May lalakarin lang ako," bilin nito sa kanila.
Buong araw na nagpahinga na lang si Ivory at nang maibsan ang kanyang jetlag.
***
Surrogacy process here in LA is quite complex, but there's nothing money can't do. Xamuel is willing to pay billions to have his heir. He had to pull some strings to keep the process confidential. Mabuti na lang at iyong family doctor nila ay may kamag-anak dito. She owns a private clinic and she's quite popular here. Marami na itong naging successful surrogacy process.
Isinama ni Xamuel si Ivory sa clinic kinabukasan. Isinagawa na nila ang in vitro fertilization. Nagsagawa na sila ng sperm retrieval kay Xamuel at ni-mate ito sa frozen egg cell ng kanyang asawa sa laboratory.
Hindi napansin ni Ivory kung ilang oras ang naging procedure. Nanatili lang kasi siya sa clinic ng doktora dahil dito raw nila gagawin ang contract signing para sa pagiging surrogate niya.
Inabala na lang niya ang sarili sa panonood ng kung ano anong videos sa vidtube. May wifi naman kasi rito sa hospital. Kung minsan ay china-chat niya si Jasmin. Sinabi na rin niya rito ang tungkol sa nangyari noong isang araw. Nag-sorry lang ang kaibigan at nangakong hindi naman ipagsasabi kung nasaan siya.
Mukhang wala naman siyang choice kung hindi ang sumunod kay Xamuel. Kaya sinabihan niya na lang si Jasmin na text o chat na lang sila magkamustahan. Sinabi niya rin dito na nasa America na siya at ginagawa na ang proseso
Nasa kalagitnaan siya ng panonood nang bumukas ang pinto ng clinic. Agad siyang napaayos ng upo. Magkasunod na pumasok ang doktor at si Xamuel. Sa likod ni Xamuel ay ang isa pang lalaking naka itim na suit at may dalang brief case.
"Ivory, this is Attorney Legaspi. I asked him to prepare the contract for us." Ibinigay ng attorney ang isang folder kay Xamuel na inabot naman ng lalaki sa kanya.
Kinuha niya iyon. Naupo ang dalawang binata sa katapat ng couch niya.
"Nakasaad diyan ang terms of condition ko sa nine months. Nakasulat din diyan na pagkatapos mong manganak, kinakailangan mo pa rin supply-an ng gatas ang anak ko for at least two months." Dinig niyang sabi ni Xamuel. Tumingala siya at bahagyang ngumiti.
"Wala naman pong problema, sir." Tumango si Xamuel. Inabutan siya ng abogado ng ballpen.
"Well, let us all hope for a good result. I will contact you after two to five days for the embryo planting. Just make sure that she live a healthy life. Avoid stress, Miss Ivory," baling ng doktor sa kanya. Bahagya lang siyang ngumiti at tumango.
Tinapos niya ang pagpirma ng kontrata at ibinalik iyon sa abogado. Tumayo si Xamuel pagkatapos.
"We'll be leaving then," anito. Tumayo na rin siya at sumunod sa amo.
Nagdaan ang mga araw at nanatili lang si Ivory sa mansion ng mga Cuanco. Kung minsan ay ipinapasyal siya ni Xamuel kasama si manang Sally. Halos mapuno na nga niya ng pictures ang kanyang iphone. Sobrang ganda ng America tapos ang tatangkad pa ng mga tao.
Makalipas ang tatlong araw ay kinontak na nga si Xamuel ng doktora kaya agad silang bumalik sa clinic nito
"Just relax, Ivory. This won't take long okay?" Tango lang ang isinagot ni Ivory.
Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili. Nakahiga na siya sa patient's bed. In-explain naman sa kanya ang gagawing procedure sa kanya. Bibigyan din siya ng mild sedative gaya ng request ni Xamuel. Ang sabi rin naman ng doktora ay painless naman ang magiging procedure. Medyo makakaramdam lang siya ng cramps.
"Okay, Ivory, I will start now," sabi ng doktor.
Bumuntong-hininga ulit si Ivory nang naramdaman na niya ang catheter na ini-insert sa kanya. Napapikit siya. Ito na ang simula ng kanyang pagbabagong buhay.
***
Two weeks after the egg retrieval…
Nakaupo si Ivory sa visiting chair ni doktora habang hinihintay ito para sa kanyang pregnancy test result.
Pagkatapos ng transplant ay bumalik na siya sa dati niyang mga routine. Though wala naman siyang masyadong ginagawa sa mansion at hindi rin siya masyadong lumalabas dahil nga di naman niya kabisado ang lugar. Busy si Xamuel sa opisina nito kaya kung hindi siya nanonood ng TV ay tinutulungan niya si Manang Sally sa pagluluto. Mas gusto kasi ni Xamuel ang mga lutong pinoy dahil puro burger yata ang makakain dito.
May mga naramdaman siyang side effects gaya ng constipation, mild bloating at mild cramping. Medyo sensitive din ang kanyang dibdib pero sabi naman ng doktor ay normal lang daw iyon pagkatapos ng transplant.
Nasa harap niya si Xamuel na nakatutok lang sa cellphone. Bumuntong-hininga siya at sumandal sa upuan. Sabay pa silang napalingon ni nang bumukas ang pinto. Niluwa nito ang nakangiting si doktora. May hawak itong mga papel nang lumapit sa lamesa at naupo sa swivel chair nito.
"A very good news, Xamuel. Ivory, here is pregnant. She is bearing you heir, Xamuel," ngiting ngiting sabi ng doktora.
Sandaling natulala si Ivory at kapagkuwan ay napatitig sa kanyang tiyan. Natulala rin si Xamuel at napatitig sa kanya- tila hindi makapaniwala sa sinabi ng doktora.
Napaigtad pa si Ivory nang biglang yumuko si Xamuel at hinawakan ang kanyang tiyan.
"My baby… Our baby…" Napakurap kurap si Ivory.
'Tama ba itong nakikita ko? U-Umiiyak si Sir Xamuel?'
Hindi niya alam kung bakit ganoon ang kanyang nararamdaman. Alam niya namang ang tinutukoy nito sa sinabing 'our' ay ang namayapang asawa ngunit sadyang hindi niya napigilan ang pagtalon ng kanyang puso.
Napalunok siya at agad na naglihis ng tingin. Tumikhim si doktora dahilan ng pag-ayos ng upo ni Xamuel.
"Thank you, doc," anito sa doktor.
"No problem, Xamuel. I will have a general check up on her again to make sure that she's healthy and safe for travel." Tumango si Xamuel at tumayo na.
Sumunod na rin siya rito.
Sinabihan siya na babalik sila bukas para sa check up kung okay ba talaga siya para sa mga mahahabang biyahe. Umuwi na rin sila pagkatapos noon.
Hindi niya alam kung bakit pero kakaiba ang araw na iyon sa mga araw na nakasama niya ito. Parang mas umaliwalas ang awra nito ngayon. Bahagya siyang napangiti.
Nang makarating sila sa mansion ay agad siya nitong pinapasok at inalalayan. Pinaupo siya nito sa sofa.
"You're now pregnant. I want you to take care of yourself, Ivory. Pagkabalik natin ng Pilipinas, sa townhouse ka na Dadalaw- dalawin kita roon. Please don't do anything that can hurt my baby." Parang may kung anong humaplos sa puso ni Ivory nang marinig iyon.
"Wag po kayong mag-aalala, Sir Xamuel. Aalagaan ko po ang magiging anak ninyo. Sinisigurado ko po yan," nginiting sambit niya rito. Sandali siyang tinitigan ni Xamuel bago ito tumango.
"Mabuti. I'll keep in touch, Ivory. I'll also make sure that you get all the things that you need. Kung may problema o kung may kailangan ka, do not hesitate to call me." Bahagyang lumuhod si Xamuel at lumibel ang mukha nito sa kanyang sinapupunan.
Huminga nang malalim si Ivory nang idantay ni Xamuel ang isang kamay sa kanyang tiyan. Hindi niya alam kung namalikmata lang ba siya pero parang nakita niyang bahagyang umangat ang mga sulok ng labi ng lalaki.
'Sana ngumiti ka na, sir. Kung itong batang ito ang magpapangiti sa iyo, aalagaan ko ito.'
She felt really weird. Parang all of a sudden ay gusto niya na lang makita itong ngumiti.