"Uhm, sa kwarto na lang siguro ako ni Ivo matutulog ngayon. Baka kasi bigla na lang siyang umiyak,"ani Ivory pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Yumuko siya at ngumuso. Hindi siya pinapansin ni Xamuel at hindi niya maintindihan kung bakit. Siguro dahil pa rin sa nangyari kanina. Pero ano nga ba kasi ang ikinagalit nito kanina? Napabuntong-hininga na lang siya. "Ivory, hija, okay lang naman na ako na ang matulog sa kwarto ni Ivo. Ako na lang ang magbabantay. Pagod ka pa galing sa hospital," sabad ni Sally. Tiningnan niya ito at nginitian. "Okay lang naman po, Ate Sally. Tsaka gusto ko rin namang makasama siya." Tipid siyang ngumiti. Agad na nalungkot si Sally. Malamang naalala nito ang pinag-usapan nila kanina lang. Nag-iwas siya ng tingin. "Sige mauna na ako," paalam niya kay Xa