"Omg buhay pa ba?" "Buhay siya Cali." "Thank god! Natakot ako! Shocks!" Naalimpungatan si Ivory nang makarinig ng mga boses. Kumunot ang kanyang noo at sinubukang dumilat. Kumurap kurap pa siya nang masilaw siya sa ilaw na nakatapat sa kanya. Nang maka-adjust ang kanyang mga mata ay saka siya dumilat. Sumalubong sa kanya ang isang babaeng nakangiti at lalaking naka coat ng puti. Nag-uusap ang mga ito at mukhang hindi napansin na gising na siya. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang isang kamay kaya napatingin ang babae sa kanya. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito nang makita siyang nakadilat. "Hi! I'm so glad you're okay! Oh my god, AJ!" Kinalabit nito ang katabing lalaki. "Nasaan ako?" Sinubukan niyang bumangon pero agad siyang pinigilan ng lalaki. May nakasabit na stethosc