Kinabukasan, nagising si Ivory nang may naramdaman siyang parang humihila sa buhok niya. Pupungas pungas siyang bumangon at agad na tiningnan iyon. "Ivo?" takang tanong niya. Agad namang humalakhak si Xamuel at bahagyang inalayo si Ivo sa kanya. Nakatayo na ito sa gilid ng kama at akba akba si Ivo. Umayos siya ng upo at sinamaan ito ng tingin. "You're mommy's cute when mad, Ivo," asar pa nito sa kanya. "Wag mo ngang idamay si Ivo. Akin na." Iminuwestra niya ang kamay at akmang kukunin si Ivo pero nilayo ito ni Xamuel. "Xamuel!" she groaned. Xamuel just laughed. "Have your breakfast first, baby." Napatingin siya sa nginuso nito sa side table. Bumuntong hininga siya at inabot naman iyon. "Ikaw nagluto?" tanong niya. Napakamot naman ito sa ulo. "Well…Manang Sally did…" Napailing