Mugtong mugto ang mga mata ni Ivory kinabukasan. Umiyak na naman kasi siya kay Sally hanggang sa makatulog na siya. Pumalahaw ng iyak si Ivo. Napabuntong hininga na lang siya at bumangon kahit na hilo hilo pa. Agad niyang nilapitan ang crib nito at kinuha ito. Niyugyog niya ito at saka kinuha ang baby bottle nito. Humihikab siya habang hawak hawak ang baby bottle ni Ivo. Napatitig siya sa maliit nitong mukha habang ganadong ganadong uminom ng gatas. Hindi niya tuloy napigilang ngumiti. 'Ang cute cute mo talaga, Ivo. Talagang ma-mi-miss kita.' Bumuntong-hininga na naman siya. 'Pasensya ka na, baby. Gustong gusto rin naman kitang protektahan. Kaso talagang hindi ko kayang gawin iyong gusto ng daddy mo. Sana paglaki mo ay magkita pa rin tayo. Ma-mi-miss kita.' Malungkot siyang ngu