Chapter 17 Amarha's P. O. V. Nakahiga ako sa kama habang nakahalukipkip ang mga braso. Bumukas ang pinto ng banyo at niluwa nito si Nathaniel na bagong paligo, nakasuot na ito ng pantulog. Kinuha niya ang blower at pinlug ito saka nagsimulang mag-blower ng buhok. Napansin naman niya ang paninitig ko sa kaniya kaya agad niyang pinatay ang blower at hinarap ako. "Why are you staring like that?" maarte niyang tanong. "Kailan ka titigil sa panlalalake mo?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay. Nanlaki ang mga mata niya. "H-How did you know--" napatigil siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. "NATHANIEL!" sigaw ko nang akmang kukuhanin niya ang cellphone niya. "b***h! You checked my phone, don't you!?" aniya. "O-Oo--" "The hell? Don't you know t