Chapter 14 Amarha's P. O. V. Kinagabihan ay nakabantay pa rin sa akin si Nathaniel. Habang busy ako sa pagtingin ng social media ay nakakita ako ng hilaw na mangga at bagoong. Natakam akong bigla rito. Tumingin ako kay Nathaniel na busy sa kaniyang laptop. Baka naman pwede ko na siyang abalahin ngayon dahil hinahayaan na naman niya ako at ako na ang panalo sa awayan namin. "Nathan," tawag ko. Hinarap niya ako at tinanggal ang salamin niyang anti radiation. "What?" "Pwede ba tayo magpadeliver ng manggang hilaw at bagoong?" tanong ko. Napasapo siya sa kaniyang noo at tinignan ako ng masama. Rinig ko ang malalim niyang paghinga at saka tumayo. Binaba niya sa couch ang laptop saka kinuha ang cellphone niya. "Naglilihi ka?" tanong niya. Tumango ako at ng