Chapter 12 Amarha's P. O. V. Pagdating namin sa bahay ay hila-hila ako ni Nathaniel hanggang sa pag-akyat ng hagdanan. "NATHAN! BUNTIS 'YANG HINIHILA MO! STOP IT!" sigaw ni Daniel habang hinahabol kami. "WHAT!? KAKAMPIHAN MO NA NAMAN ANG BABAENG 'TO? KUYA!?" sigaw ni Nathaniel. Napayuko ako at nakita ang dalawang katulong na naglakad papalabas ng bahay. Napapikit ako ng mariin. "Nathan! Hindi ka ba naaawa kay Amarha?" Agad kong nilingon si Daniel nang sabihin niya iyon. Anong pinapalabas niya? Na naaawa lang siya sa akin kaya ganoon na lang siyang mag-alala sa akin? Hindi ko maintindihan. "Daniel, tell me, who is her husband?" Naging matalim ang tinginan ng dalawa. "Y-You--" "Then I am the one who will going to decide for her! I am her husband!" madiin na samb