Chapter 6 Amarha's P. O. V. Mabilis akong gumayak para pumunta sa mansion nina Daniel at Nathaniel matapos kong marinig ang balita sa gender ni Nathaniel. Biglang uminit sa media ang kambal dahil sinasabi naman ng iba na si Daniel ang bakla. May scandal ito. Nakikipaghalikan si Nathaniel sa lalake sa bar habang umiinom. Sh*t that gay! Hindi man lang nag-ingat sa paglalasing! Nang makarating ako sa bahay nila ay tumakbo ako sa security guard. "Kuya, ako si Amarha, 'yung dala nila nung isang gabi, dito ako natulog noon," sabi ko. "Amarha Villanueva?" tanong niya. "Opo!" "Pasok ka na," aniya at binuksan ang gate. "Salamat!" Mabilis akong naglakad patungo sa main door. Akmang hahawakan ko na ang doorknob pero hinarang akong muli ni Sia. Hinawakan niya