Chapter 32 Nathaniel's P. O. V. Nagising ako nang maramdaman ko ang paghampas ng kung sino sa likod ko. "Nathaniel! Nathan! Nathan!" Nang marinig ko ang boses ni Amarha ay agad akong napabangon. "What happened?" tanong ko at kinusot ang mga mata ko. "Kailangan kita. Samahan mo ako bilis, tayo ka na diyaan," aniya at hinila ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. "Saan ba tayo pupunta? Anong oras na ba?" tanong ko. "Natatae na talaga ako, napasarap 'yung pagkain ko ng kung ano-ano kanina bago matulog," aniya. Napasimangot ako sa narinig ko. Pagdating namin sa living room ay nakita kong 1 am pa lang. "Shocks... Tatae ka talaga ng ganitong oras, sis?" "Ano ba? Tingin mo ba makokontrol ko pa ang tae ko?" inis niyang sabi.