Chapter 27 Amarha's P. O. V. Nanonood ako ng telebisyon nang bigla akong nakaramdam na parang gusto kong kumain ng matamis pero saging. Out of nowhere. Gusto ko talaga... Tumayo ako, sa pagtayo ko ay tumingin sa akin ang kambal na nanonood din at nakaupo sa sofa. Hindi ko sila pinansin dahil naiinis ako sa kanila nang walang dahilan. Sadyang naiirita lang ako sa presence nila. "Manang?" tawag ko sa kaniya pagpasok ko ng kusina. Nakita ko si Manang na may suot na apron at nag-aayos ng mga prutas sa basket. Naagaw ang atensyon ko sa saging na lakatan. Mukha itong patamis. "Parang gusto ko po ng saging na minatamis," sabi ko. "Ngayon na ba? Ako nang bahala," aniya. Napangiti naman ako. Lumabas na ako ng kusina at muli ay nakatingin sa akin ang dalawa. Ano kayan