LEO "Anong anong gagawin natin ngayon Andrew? Anong alam na n'ya?" maya-maya ay tila nag-aalala na tanong ni Yara. "Isa lang ang advice ni daddy, 'wag ko raw hayaan na magkita kayo ng asawa mo. Siya na daw ang bahala sa lahat ngayon," sagot naman ng lalaking Andrew ang pangalan. Unti-unting nagiging malinaw sa akin ang lahat. Alam ng asawa ko ang tungkol dito at nakipagsabwatan siya sa mga ito para palabasin na patay na si Yara katuwang ang ama ng Andrew na kausap nito. Sino ang taong 'yon at nagawa niyang manipulahin ang lahat? Kung sino man siya ay sigurado ako na may kinalaman siya sa mga taong lihim na nakasunod sa akin tuwing magbakasyon ako. Pero kung alam niya na hindi si Yara ang nakalibing doon ay bakit kailangan pa niya akong pasundan sa mga tauhan n'ya? Para saan at bakit,