LEO Hindi ko na pigilan ang hindi mapaluha sa narinig ko mula sa voice recorder ni Yara. Maging ang ninong ko ay nakita ko rin na nagpahid ng luha habang seryoso naman ang mga mukha ng mga kasama namin dito sa silid. "Ginawa niya ang tama. Anak ko nga siya may paninindigan na gaya ko," nakangiti na komento ni Ninong Macky ng marahil ay nakahuma na ito. "Yeah, tama ang ginawa niya pero sana nagtiwala si Yara sa atin. Kung sabagay ay kailan lang natin siya nakasama kaya mas pinili niya ang sa tingin niya ay tama. Kung sana ay nalaman natin agad ang tungkol dito ay iba ang naging kinalabasan nito," narinig ko na komento naman ni daddy saka tinapik sa balikat si Ninong Macky. Nasa ganito kaming sitwasyon ng tumunog ang text message ng cellphone ko na nakapatong sa lamesa sa harap ko. Nan