Inis s'yang bumaba ng hagdan. Kukuha s'ya ng tubig, kailangan n'yang uminom, para mapakalma ang sarili. Madalim na ang buong kabahayan. Tanging malilim na liwanag na nagmumula sa labas ang nagbibigay ng liwanag sa loob ng bahay. Nagtuloy s'ya sa kusina. Kinapa ang switch ng ilaw. Mukhang wala na si Nanay Belen. Wala kasing katao-tao sa loob ng bahay. Baka hindi ito dito natutulog. Baka pumupunta lang ito pag umaga at umuuwi pag gabi. Kung ganoon silang dalawa lang ng asawa sa malaking bahay na ito. Kumalat ang liwanag sa buong kusina ng mapindot n'ya ang switch. Agad n'yang binuksan ang ref at humila ng bottled water. Buong lakas n'yang binuksan 'yon at uminom. Halos maubos n'ya ang tubig sa bote. "Nakakainis s'ya, masyadong mainit ang ulo," bulong n'ya at may napansing aninong papun